Biyernes, Abril 22, 2011

Now Showing

Matagal akong nakatitig sa lawak
ng mga pangarap nating pinanday
ng mga kalyuhing kamay ng kasinungalingan
Namamahay na noon si Porkawa
sa sinapupunan ni Mama Purina
nang una tayong nagpahatid kina Noki at Alca
ng mga pag-ibig mula sa puso
ng mga daliri natin

Nang masundan na si Porkawa ng isa,
nagpasya tayong gawing kongkreto
ang mga imaheng ipininta ng mga naglalakbay sa hanging salita

Alas-8 ang usapan
Dunkin’ Donut ang tipanan
dalawang hot choco at dalawang fridge cake
ang aking binayaran nang ibinalita ni Noki
na paparating ka na suot ang blue polo at khaki slacks
ng bilugan mong katawan

Kumalembang ang kampana
hudyat ng panghuling misa
hinigop ng upuan ko ang init ng hot choco
at mapait na ngiti ang ipinukol sa akin ng fridge cake

Sumigaw si Darna
nag-transform si Perina
at nagpanggap na Alena
ngunit ako’y nag-antay sa pag-aakalang
sinikap mong makipagkarerahan sa mga paa ng orasan

Nasaksihan nina Arnold at Vicky
ang aking pangungulila
at ang Bubble Gang ay naging heavy drama



(para kay Big J ng Fever)

 -EFREN MERCADO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento